Kahit ako lamang ay isang simpleng mamamayan at isang tao na isang kahid isang tuka + maraming meryenda , kabilang ako sa mga kabataan na tumatangkilik sa pagbili ng kape sa "Starbucks" Copyright. O ayan nilagyan ko na ng quote. Baka ipakulong pa ko ni Sotto para sa *&!? na Cyber Crime law na yan.
Sa totoo lang, hindi ka naman bibili ng kape sa Starbucks sa halagang P100 ng dahil lang sa masarap ito diba? Minsan kasi dahil sa uso, at lalo na kapag artista na ang tumatangkilik dito, feel narin natin maki-jive sa agos ng trending ngayon. Pwede ka rin naman bumili ng 3-in-1 nalang na kape tapos gawin mong cold coffee sabay bili ng mainit na bonete sa bakery nyo sa kanto. Yan ang tunay na pinoy.
Pero teka lang, hindi ako anti sa mga sosyalera't sosyalero na kahit wala ng makain o kaya naman sakto lang ang allowance eh nagtatabi parin ng pang gastos para sa mga gintong frappe na ito. Ang sabi ko nga. ako'y simpleng tao lamang- nagmamahal din este nagsusulat lang pala. Tanaan na kung sino ang tamaan, basta ako wala akong binabato.
Naalala ko noong college. May accounting subject kami na hindi ko alam kung pano gagawin, pano ba naman kaliwa't kanan ko ay may Giraffe na sa bawat pagsulat ng ballpen ko ay nakaabang sila sa mga numero. Hindi talaga ako makapagfocus. Parang umiikot lang ang diwa ko at sa bawag pagsasalita ng aming guro, parang wala lang. Pati calculator ko noon, parang sinukuan narin ako.
Kaya naman nagisip ako ng paraan para makapag-concentrate.
Nagpunta nalang ako sa MOA dala ang eleganteng calculator ko, sandamak-mak na scratch papers, at columnar.
Saktong sakto at walang tao sa MOA. Hindi naman, OA. Medyo konti lang siguro sa kadahilanang holiday noon at kailangan ko lang talagang magreview. Doon ako tumambay sa may baywalk sa likod. Hindi pa masyado pansin ang Starbucks sakin noon, dahil in the first place ayoko magpakasosyal at lalong hindi ako mukang sosyal - in short hindi bagay sakin ang napaparoon sa mga ganung establishment.
Sa aking paglalakad nakaamoy ako ng kape, hindi lang basta kape, - amoy kapeng iniinom ni Angel Locsin. Kaya naman sinubukan kong pasukin (hindi bilang magnanakaw) ang Starbucks para umorder ng ....wait, what? P150, P175, P200 Ano toh may libreng USB?!
*after 10 mins* *Sir, Can I take your order?"
me: Aaaah, miss yung pampagising nga.
Ms: Sir, You can try yung Decaf namin
Bottom line: Naka 3 orders ako ng venti decaf in a span of 5 hours of reviewing for my accounting finals.
It was worth it. Though the price is considerably that high for an average student like me before - look at the ambiance of the place, the smiles of each baristas, the couch, and of course the smell of the coffee beans surrounding the place.
Teka ba't napa-english ako. Tagalog dapat toh.
Balik tayo sa topic. Ang pagpunta sa starbucks at pag-order ng gintong este masarap na kape ay hindi lang simbolo ng pagpapaka"sosyal" o pagsunod sa uso. May mga pagkakaibigang nabubuo din sa loob nito. Relasyong napapagusapan at pamilyang nagdadamayan.
Hindi ka nagpapapicture ng may hawak kang kape ng starbucks - ng para lang ipamuka mo sa facebook na nakapunta ka dun. Ito ay litrato na naging satisfied ka sa binili mo, kahit alam kong ipinangutang mo lang yan para ma-impress mo ang girfriend mo.
Lahat tayo may kanya- kanyang karanasan dito - may kwela, may pang-tropa, may napadaan lang, o na curious ka lang kung anong lasa ng iniinom nila.
Pero hindi lahat nagtatapos sa simpleng higop ng masarap nilang choco frappe. May mga pagkakataon na hindi inaasahan, gaya ng ending ng istorya kong ito.
Tulad ng nasa litrato, yaan na ang pinakahuli na kasama ko ang pinakamamahal ko.
Boom!

No comments:
Post a Comment
What do you think?