Sunday, 28 April 2013

Arg Notes #32: Ano ang mga bagay na hirap kang bitawan?

042913

Sorry if this post will be in Tagalog. Just to explain and elaborate things more accurately :s

Habang ako'y nasa Youth Fellowship ng aming simbahan, isang tanong sa aming "sharing time" ang bumagabag sakin at wari'y sumapak sa aking litong katauhan, "Ano ang mga bagay na hirap kang bitawan?"

Share -share din kapag may time. Ayan na ang halong tawanan at iyakan habang isa isa silang nagkkwento ng mga bagay na hirap silang iwanan.

Dumating ang pagkakataon na ako naman ang dapat sumagot. Hindi ko alam ang aking isasagot. Ano pa ba ang mga bagay na hirap akong  bitawan? Hindi ako takot mawalan ng trabaho lalo na't kung magiging sagabal ito sa aking paglilingkod sa panginoon. Hindi rin naman ako isang Kristyano na mahilig sa mga materyal na bagay. Oo, mahilig ako at nagtatangkilig sa mga gantong bagay, pero hindi rin naman sa punto na inuubos ko ang aking pera para sa gantong mga gamit.
Isa akong taong hindi takot maging mag-isa kaya naman kaya kong sabihin na hindi ako takot mawalan ng kaibigan (well, kung tunay kang kaibigan, hindi ka rin naman mawawala talaga)

Ano ba talaga ang mga bagay na hirap akong bitawan o mawala?

Pitong taon ang nakakalipas, isang bagay lang - o isang tao lang ang hindi ko kayang mawala sa akin. Siya ang  naging inspirasyon ko, ang mga naging dahilan ng aking pagngiti, ang tanging tao na pinagiikutan ng aking mundo. Hindi ko kaya na mawala siya. Lalong hindi ko lubos maisip kung anong mangyayari sa akin kapag may nangyari sa kaniya.

Nagkamali ako.


Ngayon, pagkatapos ng pitong taong pagkabulag sa katotohanan, nagkaron na ko ng lakas ng loob para bitawan ang mga bagay na dapat Diyos lang ang nagpapasiya.

Ang tanong nalang ngayon ay, ano nalang ang mga bagay na natitira sa akin na importante?

Yun ay ang mga bagay na iniatas sa akin ng Lord. Nabitawan ko na lahat. Relasyon na hindi nakakapuri sa Panginoon. Mga kaibigan na nakakahatak sa akin sa paglago.

Masakit, mahirap, at tila gusto ko bumalik nalang ang dati. Pero hindi dapat pagka't alam ko na sa likod ng aking puso, masaya din ang Diyos sa desisyong pinili ko.

Ibibigay at ibabalik ng Diyos ang mga bagay na sinakripisyo mo para sa kaniya. Ang kailangan mo lang ay sumunod. 

1 comment:

What do you think?