110612
Nauubusan na ako ng salita para ipaliwanag ang bawat yugto ng
mga pangyayari sa akin ngayon. Mabuti pa dati na iisang tao
lang ang mundong ginagalawan ko. Kulang ang isang galon ng
tinta ng bolpen para ipaliwanag kung bakit siya ang pangalang
tinitibok ng aking puso. Ang corny, oo alam ko.
Mahirap na pala ngayon, buti pa ang mga pulitiko kahit
nakaupo lang sa pwesto, yumayaman at kumakalat ang pangalan.
Ang Maynilad, puro pangakong malapit na matapos ang lubak ng
ginagawa nilang pipelines pero hanggang ngayon wala parin.
Kelan nga ba dadaloy ang ginhawa? Asa ka pa. Sa 2015 pa yun.
Ang hirap ng walang ginagawa sa trabaho (sa ngayon, baka
sabihin mo ang sarap ng buhay ko). Buong araw sa akin
pabalik-balik ang dilim ng nakalipas. Isa ba itong sumpa na
kailangan lunasan? Sinubukan ko naman kumain ng isang pakete
ng Chocnut, pero wala parin naging talab.
Siguro kahit iumpog ko ang ulo ko sa pader hanggang sa magiba
ito, wala parin mangyayari para mabura ang bawat detalye ng
pagibig sa isipan ko. Ang hirap nga naman ng kalagayan ko.
Kung sana paghiwa-hiwalayin ko nalang ang sangkap ng 3-in-1
na Kape, mas kakayanin ko pa.
Magjojogging ako mamaya, asa pa. Dalawang oras na byahe pauwe
tpos kakain ka pa. Wag na magpanggap. Matulog ka nalang.
Isang walang kwentang routine. Yan ang nakakapagod. Wala bang
bago?
Hindi ba pwede na uuwi ako sakay ng limousine tpos diretso sa
bahay sa tabi ng dagat. Pag baba ko ng sasakyan, naka ready
na ang aking mga taga massage at nakaready narin ang
pistachio Ice cream ko. Oh diba. Yan ang the best.
Pero wala eh. Kaylangan talagang umuwi ng gutom at pagod.
Walang bago.

No comments:
Post a Comment
What do you think?