Thursday 15 November 2012

Arg Notes #12 : Kaibigan

11 16 12

Salamat sa mga kaibigan. Sa bawat tawa't ligaya, lungkot ng tropa, at sa bawat isang nawawalan nang pagasa, hindi man halata pero andyan sila at nakikiramay pa. Minsan inaasar ka, pero sa likod nun ay ang motibong paligayahin ka. Iba't iba ang korte ng katawan, mula gasul hanggang bewang ng baka. Puro chicks at mayroon naring gwapo. Lahat kami ay tinatawag na panalo. Panalo sa pagiging sawi at frustrated sa nakaraan. Ilang taon ang pinaglipasan, ilang galon ang iniyakan. Pero hindi dito nagtatapos ang buhay naming magkakaibigan, simula palang yan ng tropang kulitan. Kurot sa tagiliran, hampas ng bag na sinimulan, lahat ito nagsimula sa tropang napagiwanan ng pagmamahalan.  Pipigilan ang bawat pagpatak ng iyong luha. Papalitan ng kilig at saya na kahit kay Mario Maurer hindi mo makikita. Anu man ang napagdaanan, isang kilong paperworks man, taob yan kapag nagpatawa na sila. Makakalimutan mo ang mga lungkot na sa pag-uwi mo'y abala. Andyan sila kasama ka. Magkakaibang department man, pero iisa ang diwa at pagasa.

#tropangsawi



No comments:

Post a Comment

What do you think?