Monday 7 January 2013

Arg Notes #17: Pasko na Sinta ko

Magpapasko na. Ano na ang nangyari sa minimithi mong pag-ibig na wagas? Ilang taon na
ang nakakalipas ng nagsimula kang mamuhay na kasama ang langit sa iyong tabi. Dumadaan
sa dalampasigan, sa puno ng kagubatan, sa mga alon ng dagat - lahat kasama ang taong
sadyang minahal lagpasan ng langit. Tama nga ang balita, hindi lang malamig ang pasko,
kundi puno pa ng pagbabago para sa hinaharap. Nakakatakot isipin na idadaos mo ang
kapaskuhan na may sugat kang hindi mairaos. Sadyang ganto ba ang tadhana na kung kelan
ka nagmahal ng seryoso, ito ang ibabalik ng langit sayo? Puro katanungan, puro
kaguluhan, puro kasagutang walang pinatunguhan, puro rason at pag-ibig na nauwi sa
dahilan.

Karamihan sa mga tao ngayon ay nangangamba para sa kinabukasan. Paki wari'y magugunawa
at magtatapos na ang mundo. Samantalang ako, pitong buwan na nakalipas gumuho ang
mundo kong ginagalawan. Hindi kayang takpan ng isang libong saya ang nararamdaman kong dalamhati ngayon. Tanging nais ko lamang ay maibalik ang dati at maging tama na ang pagibig na inasam ko. Maging tamang tao kami parehas na nasa loob ng kanyang pagpapala.

No comments:

Post a Comment

What do you think?